Realistic Gloc 9 Songs? Strategies Simplified

A Straightforward Overview On Fast Strategies For

Marlon, sweetness overload sa birthday paandar kay Pia!

Marlon, sweetness overload sa birthday paandar kay Pia! Ngayon (September 24) ang ika-28th birthday ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. At siyempre, abang-abang ang mga fans sa kung anong surpresa ang gagawin ng boyfriend niyang si Marlon Stockinger sa kanya. Well, nauna na ngang magpaandar si Marlon para sa birthday ni Pia. Pero, hindi mo ‘yon makikita sa Instagram wall niya, o sa iba pa niyang social media accounts. Instead, sa usung-uso na Instagram stories niya ipinost ang kanyang birthday greetings sa kanyang dyowa. “Someone’s excited for her bday,” simpleng deskripsiyon ni Marlon sa photo nila ni Pia, na magkadikit ang mga mukha nila, nagtititigan, todo-ngiti ang dalaga. Sa second photo ay pa-selfie pa rin ang shot, pero nakaupo na si Marlon, at nasa likuran naman niya si Pia na todo-smile pa rin. Sa totoo lang, successful ang desisyon nina Pia at Marlon na maging tahimik muna ang relasyon nila, matapos ang paglabas ng mga isyu tungkol sa binata, at sa kanyang nakaraan. Sa Instagram man, o sa ibang social media accounts ni Pia, malabong makakita ka ng mga photos, o videos na naglalambingan sila ni Marlon. As in totally, wala na talaga silang lambingan photos, kaya iisipin mo talaga na may problema, o hiwalay na nga sila.

For the original version including any supplementary images or video, visit https://www.abante.com.ph/marlon-sweetness-overload-sa-birthday-paandar-kay-pia.htm